
022. Meaning
- Armand De Guzman
- Jan 22
- 1 min read
Maraming kahulugan sa bawat bagay at salita na ating nakikita, sinasabi at naririnig. Ang bawat kilos at galaw ay may kanya-kanya ding kahulugan sa bawat isa sa atin. Maaaring may nagkakapareho ng pananaw, marami din naman ang iba sa kapwa isa.
Kung ano kahulugan ng mensahe kong ito ay hindi ko masasabi sa isang upuan lamang. Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayong gabing ito. Gusto kong matulog pero heto ako’t nakaupo sa harap ng telebisyon at nagsusulat sa cellphone ng kung anu-ano. Hindi ko na naintindihan yung pinapanood ko.
Isa sa mga gusto kong ibahagi sa inyo ay kung bakit ako lumalayo sa mga kaibigan ko. Nanahimik ako at nagsawalang-kibo sa maraming kadahilanan, na kailan ko lamang din napagtanto. Ang masasabi ko sa ngayon ay pinili ko itong landas na ito dahil ito ang ipinakita ng Diyos sa akin nung ako ay humiling at nagdasal ng patnubay sapagkat para akong bulag na naglalakad sa kadiliman. Kadiliman pero kabaligtaran iyon, sapagkat marami akong naririnig na boses ngunit nakakasama sa akin. Nawawalan ako ng sarili kong desisyom at katauhan. Para akong laging may hinahabol, laging may kailangang patunayan. Nakakapagod.
Sana isang araw, maisulat ko ang lahat. Uunti-untiin ko. Sana ay mabuo ninyo ang kwento ko kahit papaano.
-A-
Comments