top of page
Search

018. Journey

  • Armand De Guzman
  • Jan 18
  • 2 min read

Habang isinusulat ko itong akda ay medyo nahihirapan ako dahil sa tagal ng panahon ay kilala ko ang bandang Tubero pero hindi ko pa talaga napapakinggan ang mga kanta nila ng buo. Astig din pala e.


Okay. Mabalik ako. Itong paglalakbay ko sa mundong ibabaw ay makabuluhan, sana kayo rin. Hindi ko maipapaliwanag o mailalarawan ng maganda kasi hindi naman laging maganda. Hindi naman laging okay. Hindi ako laging masaya, hindi rin naman malungkot. Pero mas magaan sa pakiramdam dahil alam kong lumalaban ako sa buhay at nakakatayo ng ayon sa aking kagustuhan. Nakakahinga ako at nabubuhay para sa aking pamilya, sa aking asawa’t anak.


Makwento ko lang. Kanina, yung tricycle driver na naghatid sa amin mula sa may Sinag St. papunta sa amin sa may Samat St. Kung anu-anong sinasabi. Kesyo bakit daw dun kami sumakay, kung galing daw ba kami ng simbahan. Sabi ko, oo. E meron daw mga tricycle dun sa kabilang kalye, na mas malapit sa paghahatiran namin. Di na ako kumibo. Kung anu-ako pa sinasabi. Kung normal na araw daw na may pasok e pasensya daw at hindi nya kami maihahatid. Hindi daw sya papayag kasi sobrang trapik daw itong Samat St. Hindi na talaga ako nagsalita. Ayoko mag-isip, kagagaling ko lang ng simbahan. Hindi ko na din ginawa yung pagtatala ng mga nasasakyan kong tricycle para ma-profile ko sila kung ok o hindi yung nasakyan ko. Hindi ko pinicturan o anuman. Basta matanda na sya. Bahala na sya. Pinigilan lang kasi ako magdala ng sasakyan ni misis pero ayoko na talaga mang-abala pa ng mga tricycle driver. Kinaiinisan ko na sila talaga kaya nagdadala na lang ako sasakyan pag sisimba o maghahatid sa anak ko sa paaralan.


Humaba na. Mapapamura pa sana ako e. Nakikinig pa rin kasi ako ng Tubero.



-A-

 
 
 

Recent Posts

See All
024. Faith

Isang mabilisan. Galing ako ng sinehan para panoorin ang Her Locket . Isang pelikulang ginawan ko ng Sound noong nasa Promovi pa ako. Pero… tumagal ang oras dahil sa marketing ng USANA , na siya nam

 
 
 

Comments


2024. Armand De Guzman Audio Post. Powered and secured by Wix

bottom of page