
011. Passage
- Armand De Guzman
- Jan 11
- 1 min read
Hindi ko alam kung bakit ito ang naisip kong titulo ng ambag ko ngayong araw. Marahil dahil sa masyadong makipot ang lagusan na ito sa ilalim ng tulay.
Napa-google ako dahil dito. Sa wikang Filipino, ang ibig sabihin nito ay ‘talata’. Pero ito ay depende sa konteksto. Pwede rin itong mangahulugang ‘daanan’ o ‘sipi’. Pero ano pa man ang kahulugan nito, hindi ko alam kung bakit ito ang unang salitang pumasok sa akin.
Patawarin mo muli ako. Medyo pagod lang, kakatapos lang maglinis ng banyo. Buong araw din nasa labas, pumunta ng IKEA. Nagluto ng hapunan pagkauwi ng hapon. Kaya heto, gabi na naman nagsusulat, pero nakahiga, patulog din.
Makakabawi din ako, sana, sa pagsusulat. Marami akong nasa isip na gusto ko ikwento pero talagang oras ang kalaban ko. Hindi ko maisingit sa pagitan ng mga responsibilidad at gawain ko. Makakagawa din ako ng sarili kong pasilyo para dito.
-A-
Comments