top of page
Search

008. Reset

  • Armand De Guzman
  • Jan 8
  • 1 min read


Habang nakasakay sa tricycle upang ihatid si Alison sa eskwelahan, bigla ko naisip, paano kung magkaroon ngreset buttonang Pilipinas. Bigla ko kasi naalala yung EDSArehabilitationng DPWH. Akala ko din e malawakang gagawing rehabilitasyon, pero parang aspalto lang pala ang ginawa. Maganda, dahil natapalan yung mga lubak na kalsada, pero pang-buscarousellyun e. Pero kahit na, may nagawa man sila, naalala ko kasi yung mga taong nagkomento na, pakitang-gilas lang daw ng DPWH yung ginawa na yun. Para masabing may ginawa silang pagbabago. Dun ko naisip na kahit anong gawing mabuti ninuman, sa karamihan ng mga Pilipino, may mapupuna pa ring mga pangit. At dun ko naisip na kailangan ng buomgresetng Pilipinas dahil sa mga kaisipang ganun. Hindi lang kasi ngayon ang usapan na yan e. Kung dati pa sana e positibo tayo mag-isip, baka sakali may nangyaring maganda dati pa lang. At kung anumang gagawing pagbabago sa ngayon, walang magandang makikita ang karamihan sa atin kasi sanga-sanga na ang mga problema at nakikita natin. Kaya sana mayreset.


Isa pang reset, ay para sa blog na ito. Medyo nahihirapan ako ayusin ang layout ng Wix. Paranf gusto ko lumipat uli ng Blogger.com. Tingnan natin kung paano ko maililipat yung mga naisulat ko dito.


Kailangan ko din ng reset nga katawan at isip. Ginalit ako ni Ali kanina. Gusto magpalit ng damit kanina e uwian naman na. Hindi ako pumayag, ayun nagdabog, kahit sa harap ng mga guro. Kalmado naman ako pero nung umuwi, pinagsabihan ko talaga ng todo.

 
 
 

Recent Posts

See All
024. Faith

Isang mabilisan. Galing ako ng sinehan para panoorin ang Her Locket . Isang pelikulang ginawan ko ng Sound noong nasa Promovi pa ako. Pero… tumagal ang oras dahil sa marketing ng USANA , na siya nam

 
 
 

Comments


2024. Armand De Guzman Audio Post. Powered and secured by Wix

bottom of page