top of page
Search

007. Blest

  • Armand De Guzman
  • Jan 7
  • 1 min read

Kanina, natuloy din ang pag-abot ko ng kaunting pasasalamat kay kuya (hindi ko na naman naitanong pangalan) na nag-ga-guide sa amin sa may simbahan tuwing magpaparada ako. Isa siyang tauhan ng Barangay Highway Hills, may katandaan na, mabait din naman. Kitang-kita ang ngiti niya nung inabot ko yung magiging tanghalian niya. Sa susunod kong mapadaan, itatanong ko pangalan niya. Matagal ko nang gusto gawin ito. Kahit sa maliit na paraan ay makapagbahagi ng anumang pwede ko maibigay, kahit na sa pagkain lamang. Hindi ko lang maisakatuparan dahil sa pinansiyal na rason. Ayokong magkwenta. Hindi ako mayaman. Hindi rin naman ako salat, 'di tulad nung pandemic na puro utang ang inani namin. Pero gusto ko gawin ang mga ito para sa ibang tao na naging bahagi ng buhay ko.




 
 
 

Recent Posts

See All
024. Faith

Isang mabilisan. Galing ako ng sinehan para panoorin ang Her Locket . Isang pelikulang ginawan ko ng Sound noong nasa Promovi pa ako. Pero… tumagal ang oras dahil sa marketing ng USANA , na siya nam

 
 
 

Comments


2024. Armand De Guzman Audio Post. Powered and secured by Wix

bottom of page