
003. Unplugged
- Armand De Guzman
- Jan 3
- 1 min read
Parte na ng buhay ng isang tao ang pagbabago. Maliit man o malaki, may pagbabago sa buhay ng bawat isa sa atin. Doon nagsisimula ang yugto. May nagbago sa buhay mo, halimbawa ay nagkahiwalay kayo ng kasintahan mo, panibagong yugto yun. Namatayan kayo ng kapamilya, panibagong yugto uli yun. Hindi mo masasabing yugto kung walang nagbago sa buhay.
Itong pagsusulat ko muli sa blog ay plano ko pa noong bago ako mag-kwarenta. Sana. Ang kaso, abala ako sa trabaho noon sa paggawa ko ng pelikula, at sa mga gawaing bahay. Isama mo na doon ang pag-aalaga sa anak ko.
(Medyo napapalayo na naman ang paksa ko sa pagsusulat. Ito ang hirap kapag humihinto ako e.
Siguro ibabahagi ko na lamang sa ibang pagkakataon.)
-A-
Comments