top of page
Search

001. Restart

  • Armand De Guzman
  • Jan 1
  • 1 min read

Updated: Jan 18

Kamusta?


Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapagsulat. Ngayon, gusto ko uli itong subukan.


May mga ilang paksa akong gustong ibahagi sa pagsusulat, karamihan nito ay tungkol sa buhay ko. Sana ay magawa ko ng mga ito araw-araw kasabay ng pagpo-post ko sa instagram.


Pero ang pangunahin nito, ay gusto kong maibahagi ang buhay ko. Oo, personal ang mga mababasa mo. Marami akong gusto ikwento pero hindi ko alam kung kanino. Pagtuntong ko ng kwarenta, maraming nagbago at isa na doon ay ang mga tao sa paligid ko. Hindi ko alam kung sino na ang mga dapat pagkatiwalaan. Sa dami ng nakapaligid sa akin, marami akong boses na nadidinig pero hindi nakakatulong sa pagiging ako. Matatalakay ko pa siguro ito sa ibang araw.


Sa ngayon, ito muna. Hinahanapan ko din kasi ng oras kung kailan, paano at saan ako payapang makakapagsulat.


Maraming salamat at muli, sana ay maibahagi ko ang kalahati ng aking buhay.


-A-


 
 
 

Recent Posts

See All
024. Faith

Isang mabilisan. Galing ako ng sinehan para panoorin ang Her Locket . Isang pelikulang ginawan ko ng Sound noong nasa Promovi pa ako. Pero… tumagal ang oras dahil sa marketing ng USANA , na siya nam

 
 
 

Comments


2024. Armand De Guzman Audio Post. Powered and secured by Wix

bottom of page